Batas sa Bahay
Ang mga batas na obvious na kapag tumuntong ka sa bahay ng ibang tao. Hindi na kailangan sabihin pa. Siguro naman, alam mo na to no?
- As you enter another's house, greet everyone you see. Respeto tawag dun, dude. Baka kasi, wala kang proper breeding at lumaki ka sa kung saan saan na lamang at hindi mo alam yun.
- Iyong pakatandaan: aba iho/iha, mahiya ka naman, bahay mo ba to? Read between the lines.
- Matuto kang kumatok sa pinto bago pumasok sa kwarto ng may kwarto. E papaano kung mayroon palang milagrong nangyayari sa silid na iyon, edi nakaisorbo ka pa? Tulad na lamang nang nagbibihis pala siya, edi namulat ang lahat sa hubad na katotohanang para ka na ring nangboso. Tsk, tsk. Ano ba ang iniisip mo?
- Pwedeng wag kang maingay? Hindi lang ikaw ang tao sa bahay no. Kung gusto mong kumanta, ayan ang banyo. Diyan mo paganahin ang bathroom voice mo.
- Eto pa ang sikat, wag mong pakialaman ang mga gamit sa bahay ng may bahay. Kapag may nawala diyan, baka mapagbintangan ka pa. O kaya kapag may nabasag, lagot ka. Hindi naman porke ka-kosa mo yang isang taong nakatira diyan, kung sino man yun, ay okay lang.
- Hoy! Wag ka magbubukas ng ref ng may ref ng walang paalam. Patay gutom!
- Mag flush ka rin pala pag gumamit ka ng CR. Wag mong dalhin ang kababuyan mo sa tahanan ng may tahanan.
- Kapag lalayas ka na, matuto kang magpaalam na ika'y sisibat na. Hindi yung bigla ka na lamang nawawala. Ano ka multo? Hindi na uso takutan ngayon.















