Weather Weather
Putang-ina. Kung bakit kailan pa ako uuwi, at tsaka eeksena itong ulan. At sa kasamang palad pa noon ay pagkalakas-lakas pa. At oo, tipong bumabaliktad na ang lahat-lahat sa mga payong ng mga naghihintay sa baba ng building. At ako? Bukod sa saklap ng katotohanang ako'y nililipad na sa lakas ng ulan, naligo rin ako. Oo! Pare! Basang-basa ako!
Kahit na basang-basa akong nagtatago sa isang sulok ng poste para hindi ako liparin ng hangin, marami akong napupuna-puna sa palid. Marahil ay naging ugali ko na ang mag obserba ng mga bagay-bagay kahit gaano pa man karumal-dumal ang aking pinagdaranasan.
Una, dahil malakas ang ulan, mahirap sumakay ng taxi. Bihirang-bihira ang nagdaraang taxi. At kung mayroon man, namimili ng pasahero? Tama! Basang-basa na nga yung pasahero, nakuha pa nilang tumanggi? Napakawalang puso, walang kaluluwa, walang isip, walang toot (bahala ka nang mag-isip).
Pero, sa kabila noon, meron din namang positibong nangyayari. Tulad na lang nitong si mamang pulis na isang uliran! Yes, award-winning na mamang pulis ito! Todo na ito! Para sa serbisyo ng mamamayang Pilipino, sinuong niya ang malakas na hagupit ng bagyo (tandaan: ulang nakakapagbaliktad ng payong at nakakapagpalipad ng Euri ito ha) para lamang magpatupad ng ating batas pantrapiko (5 minuto kong inisip ang Tagalog nito). Dapat nating tularan ang kagitingan ni mamang pulis – Lazer Squadron, Maskman* (ang ring tone ko ito)!
* Hikari Sentai: Maskman – for those who didn't know...
















